Thursday, July 5, 2012

Rosas na Payak - February 8, 2011

Isang pasong Rosas,
Ugat ay matatag;
Kagandahang ipinamulat,
Mula loob palabas.

Pitasin man ang Rosas,
Makarating saan-saan;
Yaong katangian,
Di basta mapipiglas.

Kahunin man ang Rosas,
Tinig ay malamya;
Bugso ng damdamin,
Matibay, malakas.

Balutin man ang Rosas,
Sutla man o balat;
Ginto man o pilak,
Mananaig ang likas.

Isang pasong Rosas,
Ugat ay matatag...

No comments:

Post a Comment